MILYONG WORKERS UMAASA SA ANTI-ENDO BILL

endor1234

(NI MINA DIAZ)

IKINATUWA ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang hakbang ng Senado para sa pagpapakita ng mahusay na pampulitikang pamumuno at ang pinakamataas na pamantayan ng legislative independence, matapos ipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa, ang makasaysayang Senate Bill No. 1826 o ang 21-anyos na “The Security of Tenure Bill”.

“Fifteen senators shed hope to millions of endo workers nationwide. TUCP and the Nagkaisa Labor Coalition are overjoyed that notwithstanding a fierce lobby opposing the passage of SB 1826, led by employers, agency contractors and the joint foreign chambers of commerce, the Senate passed the measure that will begin the process of finally ending contractualization and “Endo” (end-of-contract) employment,” ayon kay  TUCP President Raymond Mendoza.

Sa botong 15-0, binatikos din ng Senado ang mga alalahanin at mga pagtutol na ginawa ni Finance Secretary Sonny Dominguez na ang bill ay negatibong nakakaapekto sa ekonomiya at salungat sa interes ng kakayahang pangasiwaan ng pamamahala.

Ayon sa TUCP, dapat bigyan ng kredito si Sen. Joel Villanueva, na siyang Committee on Labor at principal sponsor ng panukalang batas na matiyagang pinatayo ang koalisyon ng mga senador upang pumasa ang panukala na may botong 15-0 noong Miyerkoles ng gabi.

341

Related posts

Leave a Comment