MODERNISASYON NG BFP TINIYAK

(NI NOEL ABUEL0

TINIYAK ni Senador Christopher Lawrence Go na susuportahan nito ang pagsasailalim sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa senador, malaki ang ginagampanan ng BFP sa pangangalaga sa taumbayan kung kaya’t dapat tulungan maisaayos ang naturang ahensya sa buong bansa.

Sa kanyang talumpati sa 46th Fire Service Recognition Day bilang  guest of honor, sinabi ni Go na tinaasan ang budget ng  BFP  para lalong mapabuti ang kapasidad nito  sa pagtulong sa mga kababayang  nangangailangan ng kanilang serbisyo.

Ayon kay Go, sa mahigit P2 bilyon budget ng BFP sa 2020 ay nagdagdag ang Senado ng mahigit P32 milyon  para makabili  ang ahensiya ng dagdag na fire trucks.

Pinasalamatan naman ni Go ang  mga bumbero sa patuloy na suporta ng mga ito sa kanya at higit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin ni Go ang kanyang paghanga sa mga bumbero sa hindi pag-alintana sa peligrong sinusuong makatulong lang sa mga nasusunugan.

 

 

183

Related posts

Leave a Comment