TUTUTUKAN ng Philippine National Police ang aktibidad ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee na nagsusulong ng isang revolutionary Government.
Una rito, tinawag ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na ‘political stunt’ ang isinusulong na revolutionary government dahil hindi ito napapanahon lalo na at nasa gitna tayo ng COVID-19
pandemic.
Nabatid na pinaiimbestigahan na ni Gamboa sa PNP-CIDG ang grupong nasa likod ng Revolutionary Government.
Ayon kay Gamboa, pinakikilos na niya ang CIDG para i-monitor ang grupo at kung may kaso ba na dapat isampa sa mga nagsusulong nito para sila ay maaresto.
Samantala, isang grupo na nagpakilalang mga kasapi ng Advocates for National Interest na binubuo ng mga dating heneral ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang naglabas ng kanilang statement hinggil sa isinusulong na RevGov.
Ayon sa grupo, ang kanilang misyon ay “Defend and uphold the constitution.
“Our nation must remain united under one flag, one constitution. We oppose any initiative from any sector that will undermine the constitution of the Philippines,” bahagi ng pahayag ng grupo.
Una nang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila susuportahan ang panawagan na pagtatatag ng revolutionary government. (JESSE KABEL)
59