MUTUAL DEFENSE TREATY PAAAMYENDAHAN

NAIS ni Senador Francis Tolentino na maglabas ng Sense of the Senate upang hikayatin ang Executive Department na amyendahan at palakasin ang Mutual Defense Treaty.

Sa kanyang Senate Resolution 584, nais ni Tolentino na dagdagan ng probisyon ang MDT na tutukoy ng malinaw na sakop ng kasunduan at pagtutulungan ang West Philippine Sea at iba pang teritoryo na may sovereign rights ang Pilipinas.

Alinsunod din sa resolution, nais ng senador na mailagay sa kasunduan ang kaukulang kompensasyon ng pamahalaan ng Estados Unidos sa mga lokal na pamahalaan na magho-host ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Ipinaliwanag ng senador na ang EDCA na karagdagan sa MDT ay kasunduan na nagpapahintulot sa pwersa ng militar ng Estados Unidos na maglagak ng kanilang kagamitan at magsagawa ng aktibidad sa mga lokasyon sa bansa.

Ipinadaragdaga din sa MDT ang pagtutulungan ng dalawang bansa kapag mayroong cyber attack sa kanilang critical infrastructure at vital installation at mayroon ding environmental destruction.

Sinabi ni Tolentino, dahil sa panggigitgit ng China, kailangang paigtingin ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pagpapalakas ng alyansa sa mga kaibigang bansa tulad ng Estados Unidos.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na hindi lamang ito para sa proteksyon ng interes ng bansa at sa halip ay para rin sa pagpapanatili ng kaligtasan at katatagan ng rehiyon para sa balance of power. (DANG SAMSON-GARCIA)

171

Related posts

Leave a Comment