NAGPAPATAKBO NG POGO, ‘DI CHINESE CORP – PAGCOR EXEC

pagcor55

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI umano Chinese companies ang nagpapatakbo sa mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) bagama’t puro mga Chinese nationals ang kanilang empleyado ang mga nagsusugal on-line.

Ito ang tugon ni Victor Padilla, senior manager ng policy and offshore gaming licensing division ng Pagcor, nang uriratin ni  Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate sa budget hearing ng House committee on appropriation nitong Biyernes kung anu-anong mga China based company ang may-ari ng mga POGO.

Ayon kay Padilla, mga offshore company na may mga local partner sa Pilipinas ang nagpapatakbo ng mga POGO subalit hindi na ito nagbigay ng detalye ukol dito.

“No companies operated by Chinese corporation because mostly offshore companies, however they have local companies here in the Philippines,” ayon kay Padilla.

Pero ang sigurado aniya ay mga pawang mga Chinese nationals ang naglalaro sa nasabing on-line gaming subalit hindi umano sigurado ang opisyal kung lahat ay mula sa China lalo na’t halos lahat ng bansa sa mundo ay mayroong Chinese na ang kultura ay mahilig sa sugal.

Sa ngayon ay 60 lisensya umano ang ibinigay ng Pagcor subalit 48 lamang umano ang nag-operate, ayon kay Padilla.

Nilinaw ng opisyal na unang nagkaroon ng POGO sa bansa noong 2005 na nagsimula sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) at nag-ooperate umano sa Makati.

166

Related posts

Leave a Comment