NAGSUMBONG SA PANGULO; PULONG ‘BANAS’ KAY SEC. PUYAT

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAPIKON si presidential son at Davao City 1st District Congressman Paolo “Pulong” Duterte kay Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat.

Sa manifestation ni Duterte sa plenaryo ng Kamara, Huwebes ng gabi, hindi nito napigilan ang kanyang sariling na sitahin ‘on record” si Puyat dahil sa pagsusumbong umano nito sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Rep. Duterte, may plano itong mag-interpelate sa budget ng DOT matapos makarating sa kanyang kaalaman ang reklamo sa “managemeng style” ni Romulo-Puyat lalo na sa pag-apruba sa mga kontrata sa kanyang departamento.

Gayunpaman, nakiusap umano si House Speaker Allan Peter Cayetano na idiretso na lamang nito ang kanyang ‘concerned” sa Puyat kaya nag-usap silang dalawa ng Kalihim.

“After I had discussed my concernes with Secretary Puyat, napupuyat na ako dito sa babae na ito in the president of our speaker. I thought that was the last of it. Bilang paggalang sa ating speaker pumayag akong kausapin si Secretary Puyat.

“Ang buong akala ko ay maganda ang ikakabunga ng aming pag-uusap,yun pala ay nauuwi lang sa sumbungan at mga maling parating laban sa akin at alam niyo esteemed colleagues kung kanila (nagsumbong),” ani Rep. Duterte.

“Ito lang po Mr. Speaker ako po ay naniniwala na dapat ipabatid natin sa lahat ang mga pangyayaring ito nang sa gayun ay malam n gating mga kababayan ang tunay na karakter at pag-uugali (ni Puyat),” ayon pa sa Presidential son.

Ayon naman kay Rep. Eric Yap, naakakaalarma ang rebelasyon ni Rep. Duterte  ukilo sa nakakadismayang pamamalakad aniya ni Romulo-Puyat at sa halip na pakinggan at isaayos ang kanyang departamento matapos iparating sa kanya ng anak ng Pangulo ang problema ay nagsumbong ito sa Pangulo.

“Concrete solution ba o mas nakita nyo na dapat magsumbong na lang sa mahal na Pangulo? Kung ang Deputy Speaker na anak ng Pangulo ay nagawa nyong isumbong at batuhin ng mga maling paratang, paano na lang ang ibang mga mambabatas na walang direktang access sa Pangulo? Paano ang mga ordinaryong kawani ng pamahalaan? Paano ang mga ordinaryong Pilipino?,” ani Yap.

“Anong mensahe po ang gusto nyong ipahatid sa bawat taong may lehitimong concern sa estado ng turismo ng bayan? Secretary Puyat, sana manatiling nakatapak ang mga paa mo sa lupa at buksan mo ang mga mata at tenga mo sa mga issues na may kinalaman sa iyong ahensiyang pinamumunuan,” ayon pa sa ACT-CIS congressman.

 

156

Related posts

Leave a Comment