NATIONAL ARTIST KAY EDDIE GARCIA

eddigarcia22

(NI BERNARD TAGUINOD)

KASABAY ng pakikipagdalamhati sa pagnapaw ng beteranong actor na si Eddie Garcia, inirekomenda ng grupo ng mga party-list congressmen na gawin itong “National Artist” dahil sa hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng showbiz.

“We mourn but we also honor and celebrate Eddie Garcia and his life well lived.
As a group, the Party-list Coalition will nominate Eddie Garcia for the posthumous conferment of the National Artist award,” ani 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero.

Noong Huwebes ng hapon ay tuluyang pumanaw si Garcia na kilala sa bansag na “Manoy” matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa Makati Medical Center mula nang madisgrasya ito sa taping ng ginagawang teleserye ng GMA-7 sa Tondo Manila.

“The man and his legacy stand for what is beautiful and true about Philippine Art, specifically in Film and Television,’’ dagdag pa ni Romero.

Iminungkahi naman ni Senior Citizen party-list Rep. Franciso Datol sa Department of Education (DepEd) na ipangalan ang isa sa mga eskuwelahan sa Sorsogon na kay Garcia.

Hiniling din nito sa Philippine Army at Philippine Veterans Affairs Office na ibigay ang nararapat na military honor kay Garcia at benepisyo bilang isang Philippine Scout veteran.

Hinihiling namin kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na iutos ang Half-Mast Flag Honors at karampatang military honors para kay Eddie Garcia dahil siya ay naging sundalo sa Philippine Scouts,’’ ayon naman kay Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin.

238

Related posts

Leave a Comment