NATIONAL BUDGET, LAGPAS SA P4.1-T

recto33

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

IBINULGAR ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na lagpas sa sinasabing P4.1 trilyon ang national budget para sa 2020.

“While every literature states that P4.1 trillion is the national budget for 2020, in reality, it is not,” saad ni Recto.

Sinabi ni Recto na ang tunay na halaga ng proposed 2020 national budget ay P4.316.3 trillion o mas mataas ng P216.3 billion na mas mataas sa sinasabi ng Malacanang.

Ipinaliwanag ng senador na ang naturang halaga ay nakalaan sa Unprogrammed Appropriations (UA).

Bagama’t nakadepende pa rin anya sa ilang kondisyon ang pagpapalabas ng pondong ito, malaki pa rin ang papel ng pagpapasa nito para sa paggastos ng pera.

Napuna rin ng senador ang mabilis na pagtaas ng unprogrammed appropriations na tinawag nitong ‘incredible hulk-like’.

“In just two years, it has grown in Incredible Hulk-like proportions and speed,” saad ni Recto.

Noong 2016 at 2017 aniya, ang UA ay P67.5 billion na tumaas sa P75.3 billion noong 2018 at lumobo sa P197.1 billion ngayong taon.

Sa ngayon aniya ang proposed national budget ay mahahati sa dalawa, ang programmed part na P4.1 trillion at ang ‘unprogrammed’ na P216.3 billion na kulang umano sa transparency.

Pinakamalaking unprogrammed ay ang P90.4 billion na ‘Support to Foreign Assisted Projects.’

“Kung para sa ano ito, hindi idinetalye sa National Expenditure Program (NEP). Parang cheke na may amount, pero walang particulars,” saad ni Recto.

Ang sumunod ay ang P61.9 billion sa ‘Budgetary Support to GOCCs’ na wala ring itemization at ang ikatlo ay ang P30 billion para sa Risk Management Program.

“But it will be wrong to say that all projects under UA are devoid of merit. In fact some are good, like the P5.4 billion for the Health Facilities Enhancement Program, the P5 billion for the Bangsamoro Normalization Program, the P5 billion for AFP Modernization,” paglilinaw ni Recto.

“Mayroon ding P2.4 billion para sa National ID Project. At P1.2 billion na bayad-utang sa ilang mga LGUs. Isang pang bayad-utang ay P2 billion sa previous IT contractor ng LTO,”dagdag nito.

 

243

Related posts

Leave a Comment