NDRRMC, OCD TUTULONG KONTRA TIGDAS         

ndrmmc

(NI BETH JULIAN)

TUTULONG na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) sa kampanya kontra tigdas.

Ayon kay NDRRMC spokesman Director Edgar Posadas, makikibahagi na rin ang kanilang mga tauhan sa information dissemination kaugnay ng immunization program ng pamahalaan.

Inatasan na rin ang lahat ng kanilang regional offices na magplano kaugnay ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Nilinaw ni Posadas na ang Department of Health (DOH) pa rin ang mangunguna sa pagbibigay ng bakuna laban sa tigdas.

“Hindi naman tayo magba-bahay-bahay, mayroon lang tayo monitoring para sa vaccination and immunization at yung prevention,”  wika ni Posadas.

Iginiit ni Posadas na dapat maresolba sa lalong madaling panahon ang probelma sa tigdas sa itinakdang dalawa hanggang tatlong buwan.

Dahil dito, patuloy na makikipag tulungan sa DoH at iba pang ahensya para mahikayat ang mga tao lalo na ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

163

Related posts

Leave a Comment