NPC AT FFCCCII FORUM LUMARGA SA MAYNILA

TAGUMPAY ang Manila Mayoralty Candidates Forum na isang joint project ng Federation of Filipino- Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) at ng National Press Club of the Philippines (NPC) sa FFCCII Auditorium Binondo, Manila nitong Biyernes, April 8, 2022.

Pinagsikapan ng FFCCCII at NPC na maanyayahan ang lahat ng mga kumakandidatong alkalde sa lungsod ng Maynila kung saan dumalo sina Atty. Alex Lopez, Amado Bagatsing at Ret. Gen. Elmer Jamias.

At sa pangalawang pagkakataon ng paghaharap ng mga mayoralty bet, no show muli sa forum sina Vice Mayor Honey Lacuna – Pangan at Ma. Cristy Lim.

Naging finalist sa nasabing forum sina Dante Francis Ang, Chairman & CEO ng The Manila Times; Prof. Anna Malindog-Uy, President, Tech Performance, Inc., Vice Chair, Award for the Promotion of Phil.-China Understanding (APPCU); Lorlyn Garcia Velarde, Vice Pres. for Operations Golden Nation Network (GNN); at Cecilio K. Pedro, President/CEO Lamoiyan Corp. Vice President, FFCCCII.

Binigyan ng pagkakataon na maipahayag ng mga kandidato ang kanilang mga plataporma de gobyerno.

Umangat nang husto si Atty. Alex Lopez sa nasabing forum lalo na nang bigyan nito ng pagpapahalaga ang maliliit na negosyante na gusto nitong paangatin ang antas ng pamumuhay.

Aniya, hindi naman gusto ng mga ordinaryong manininda na hindi umangat ang kanilang pamumuhay.

Kaya nga nais nitong bigyan ng sapat na puhunan ang mga ito sa pamamagitan ng kooperatiba.

Naniniwala si Atty. Alex na ang Maynila ang katuparan ng ating mga pangarap kaya kailangan nating magkaisa upang makabangon sa lugmok na ekonomiya dala ng pandemya.

Aniya, kailangan iwasto ang paggamit ng resources ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Nais ni Lopez na maghikayat ng mas maraming negosyo at investors sa Maynila upang mas maraming Manilenyo ang mabigyan ng trabaho.

Batid din ni Lopez na hirap ang mga negosyante dala ng nakamamatay na COVID-19, kaya nais nitong magbigay ng ‘tax holiday’ kung sakaling papalarin siya sa May 9 polls.

Mariin din nitong sinabing kailangan magtiwala tayo sa isa’t isa para umunlad.

Hinamon ni Atty. Lopez ang mga Manilenyo na pumili ng isang may tapang at puso para manindigan at manilbihan sa bayan upang maging maayos at malinis ang pamahalaan. (JULIET PACOT)

114

Related posts

Leave a Comment