NUP TIKLOP SA PDP-LABAN, PREXY BET SA 2022 MALABO

pdp55

(NI ABBY MENDOZA)

HINDI nakikipagkumpetensya ang National Unity Party (NUP) sa ruling party na PDP-LAban sa kabila ng paglipat ng 12 miyembro nito.

Ito ang paglilinaw ni NUP President Elpidio Barzaga matapos na rin mag-over da bakod sa kanilang partido ang ilang PDP laban members.

Giit ni Barzaga wala silang interes sa ngayon para maglagay ng kandidato para 2022 presidential elections sa kabila ng pagdami ng kanilang mga miyembro.

“Kahit mayroon naman kaming mga  posibleng kandidato para sa 2022  mas gusto pa rin namin na manatili kaming maliit pero solidong  political party.

Sa Kamara ay maituturing nang malaking partido ang NUP na may 57 miyembro kung saan  isa sa kanilang bagong inampon na miyembro ay si  Presidential son at Davao Rep. Paolo Duterte at ang pag promote nila kay Manila Mayor Isko Moreno bilang vice chair for political affairs.

Nilinaw ni Barzaga na sumali sa kanilang partido noong Hulyo ang batang Duterte dahil karamihan dito ay barkada na niya at nagandahan siya sa samahan dito.

Bagama’t term sharing sa speakership sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alla. Velasco ang napagkasunduan kung saan 15 buwan magsisilbi si Cayetano at 21 si Velasco ay hindi naman mamatay-matay ang isyu na balak ng batang Duterte na maging House Speaker matapos ang termino ni Cayetano.

Giit ng kampo ni Duterte na walang katiyakan sa politika at maaari pa rin itong mabago.

 

92

Related posts

Leave a Comment