OGMA NILIKHA

Upang matugunan ang mga karaingan at tanong ng foreign media hinggil sa gobyerno sa Pilipinas, inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang paglikha sa Office of Global Media Affairs (OGMA).

Ang OGMA ay attached agency ng Presidential Communications Operations Office na pamumunuan ni dating television reporter JV Arcena.

“We are already paving the way at the possibility of that press attaché division kaya ang PCOO po, sa ilalim ng Office of Press Secretary ay nagbuo na ng Office for Global Media Affairs ,” ayon kay Andanar.

Ipoproseso umano nila ang mga katanungan mula sa alinmang lugar sa mundo mula man ito sa Europe, America, Africa, Asia-­Pacific.

Kung mayroon man mga katanungan man umano tungkol kay Pangulong Duterte o sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, ang division na ito ang mamamahala at tutulong sa pamahalaan para mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng maraming reporters sa buong mundo.

Kadalasan aniyang tanong ng mga foreign journalist ukol sa Philippine government ay ang ekonomiya, foreign affairs, security, local government at iba pa.

332

Related posts

Leave a Comment