OPISYAL SA DBM P198-B BIDDING KAKASUHAN  

dbm

 KAKASUHAN ang nag-utos sa mga contractual employees ng Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) na ipabidding ang may P198 bilyon halaga ng proyekto ng gobyerno na bahagi ng build-build-build program.

Ito ang tiniyak ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., matapos irekomenda ni Leyte ni Rep. Vicente Veloso na pag-aralan na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nag-utos sa mga empleyado ng DBM-PS.

“Acting on Rep. Veloso’s motion, I already tasked our legal team to include such recommendation in the committee report to be released after the termination of the investigation,” ani Andaya.

Gayunpaman, tanging ang mga opisyales na nag-utos sa mga empleyado ng DBM-PS ang kanilang target kakasuhan dahil sumusunod lang umano ang mga ito sa kautusan sa “taas”.

“But to make matters clear, hindi ito kasalanan ng mga empleyado ng DBM-PS. Ang totoong may sala, iyung mga boss na nag-utos sa kanila. Dapat ituro nila ang utak sa conspiracy na ito. Kung sino man siya, dapat siyang managot sa batas,” ayon pa kay Andaya.

Alam umano ng nag-utos o mga nag-utos sa mga empleyadong ito na walang kakayahan ang kanilang mga tauhan na magpabidding dahil hindi sila eksperto sa mga proyekto subalit inutos pa rin aniya ito.

Kabilang sa mga ipinabidding umano ng DBM-PS ay ang P168 billion proyekto ng Department of Transportation (DOTr) ay  MRT3 Rehabilitation Project – P17 billion; Capacity Enhancement for Metro Manila LRT Line 1 – P12 billion; LRT Line 1 South Extension Project in Cavite – P4.5 billion; Expansion of Existing Depots for LRT Line 1 South Extension Project – P4.5 billion; Common/Unified Grand Central Station for Line 1 North Extension Project – P2.7 billion; Trackworks, Electrical and Mechanical Systems ng  LRT Line 2 East Extension Project in Masinag – P3.1 billion; at Systematic Rail Replacement for MRT3 Systems – P848 million.

Kasama din dito ang proyekto sa  Sangley Airport – P486 million; San Jose Airport – P283 million; Cauayan Airport – P247 million; Dumaguete Airport – P123 million at Zamboanga International Airport – P113 million.

 

 

 

140

Related posts

Leave a Comment