(NI BERNARD TAGUINOD)
NAKAPAGPADALA ang mga Filipino seaman ng mahigit P104 bilyon sa kanilang pamilya sa Pilipinas sa unang apat na buwan ng taong kasalukuyan o mula noong Enero hanggang Abril.
Ito ang lumabas sa monitoring ng ACTS-OFW Coalition of Organizations matapos makapagpadala ng $2 Billion o P104 Billion sa palitang P52-P$1 na idinaan ang mga Pinoy seaman sa mga banko.
Mas mataas ito ng 10.7% kumpara sa niapadala ng mga Pinoy seaman sa kaparehong panahon o buwan noong 2018 kaya hinikayat ng nasabing grupo na pinamumunuan ni dating ACT-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III ang mga mahihirap na estudyante na kumuha ng kursong may kinalaman sa pagbabarko.
Noong 2018 may kabuang $6.14 billion ang naipadala ng mga Pinoy seaman na sa mga banko na mas mataas ng 4.5% sa $5.87 bilyon na nairemit ng mga ito sa kanilang pamilya noong 2017.
Kabilang sa mga top-10 na bansa na pinanggalingan ng remittances ng mga Pinoy seaman ang United States ($770.1 million);Singapore ($214.4 million);Germany ($186.6 million);Japan ($184.3 million);United Kingdom ($105.9 million); The Netherlands ($96.69 million);Hong Kong ($93.7 million);Panama ($58.7 million); Cyprus ($55.9 million) at Norway ($39.9 million).
“Fund transfers from sea-based Filipino workers abroad are actually rising at a rate five times faster than remittances coming from those based on land,” pahayag ni Bertiz.
Dahil dito, nanawagan si Bertiz sa Commission on Higher Education (CHED) na hikayatin ang mga senior high school graduates na na kumuha Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) o Bachelor of Science in Marine Engineering (BSMarE) programs dahil malaki ang potensyal ng mga ito na kumita ng mas malaki.
Kailangang tulungan umano ng CHED ang mga kabataan na na makapag-aral ng libre sa mga private maritime schools.
265