Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magbibigay ng halagang P10 bilyong ayuda sa magsasaka sa loob ng anim na taon laban sa epekto ng rice tariffication.
Ito ang inihayatg ni Senador Cynthia Villar matapos aprubahan sa Senado ang Senate bill No. 1998 o panu-kalang amyendahan ang RA 8178 o ang Agricultural Tariffication Act na tinanggal ang quantitative re-striction sa pag-aangkat ng bigas kapalit ng taripa.
Solidong pumabor ang 14 sa panukala at walang negatibong boto at abstention.
“I will not agree na mag-liberalize ang importation na walang tulong sa farmer kasi talo talaga tayo. Talo tayo ng Vietnam at Thailand in terms of competitiveness. So we have to help our farmers to be competi-tive as soon as possible. That’s why we need additional funds and pro-grams to help our farmers mecha-nize and ultimately lower the cost of producing palay,” ayon kay Villar.
Nilikha ng panukala ang Rice Competitiveness Enhancement Fund o Rice Fund na nagkakahalaga ng P10 bilyon kada taon sa loob ng anim na taon.
Ilalaan ang Rice Fund sa mga lugar na nagtatanim ng palay.