HINDI lang mga advance collection ng water concessionaires ang dapat iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito na bayaran bago ang negosasyon sa bagong kontrata kundi ang P2 Billion multa na ipinataw sa kanila ng Korte Suprema.
Ito ang iginiit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza kay Pangulong Duterte kasunod ng panibagong banat nito sa Maynilad at Manila Water na ibalik sa tao ang kanilang nakolektang sewage fees para sa pagpapagawa ng water treatment facilities na hindi pa rin naitatayo sa nakalipas na 22 taon.
“President Rodrigo Duterte should compel Manila Water Co. and Maynilad Water Services Inc. to pay the P2 billion in combined fines previously slapped against them by the Supreme Court, before the government begins renegotiations for new concession agreements,” ani Atienza.
Magugunita na noong Agosto 6, 2019 ay naglabas ng desisyon ang Korte Suprema para patawan ng multang P1.8 Billion ang Manila Water at Maynilad dahil sa paglabag sa Clean Water Act.
Hanggang ngayon ay hindi umano nagbabayad ang Manila Water na pag-aari ng mga Ayala at Maynilad na kabilang sa mga negosyo ni Manny V. Pangilinan dahil inapela ng mga ito sa Korte Suprema ang nasabing kaso.
Kada araw na hindi makabayad ang mga ito ay madadagdagan ng P322, 102 ang mga water concesionaire kaya ayon kay Atienza, umaabot na sa P1.96 Billion ang dapat bayaran ng mga ito noong Pebrero, 8, 2020. BERNARD TAGUINOD
181