P250-M NAWALA SA LOTTO? WALANG GANUN – PALASYO

panelo44

(NI BETH JULIAN)

MARIING itinanggi ng Malacanang na may nawalang P250 milyong halaga ang pamahalaan nang isara ng apat na araw ang operasyon ng lotto.

Ang reaksyon ng Palasyo ay kasunod ng pahayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na isinisisi sa pagsuspinde sa operasyon ng lotto ang nasa P250 milyon ang nawalang kita.

Pero tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang dapat na panghinayangan gayong wala namang nawala.

Nilinaw ni Panelo na nagkaroon lamang ng delay at papasok din sa gobyerno ang multi milyong pisong kita na magagamit sa medical assistance para sa mga kababayan  nating nangangailangan.

Ayon pa kay Panelo, maaari rin bumalik sa PCSO bukod sa DSWD, Office of the President at iba pang Government office, ang mga nangangailangan ng tulong pinansiyal at mula doon ay may magamit ang mga kababayan nating may tinataglay na karamdaman.

Una nang sinabi ni Garma na malaki ang nawala sa pamahalaan dahil mahigit sa P60 milyon ang pumapasok na lotto revenue araw-araw

Nagpapasalamat si Garma dahil inalis na ni Pangulong Duterte ang suspension ng lotto draw matapos niyang hingin ito dahil wala namang corruption dito.

Simula kamakalawa ng gabi ay nagkaroon na ng draw sa Lotto 6/42; Mega Lotto 6/45; Super Lotto 6/49; Grand Lotto 6/55; Ultra Lotto 6/ 58; 6-Digit Game; 4-Digit Game; Suertres Lotto; at EZ2 Lotto.

115

Related posts

Leave a Comment