P30-B ILLEGAL DRUGS NASAMSAM SA ILALIM NG MARCOS JR. ADMIN

INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang pinaigting na anti-narcotics campaign ng gobyernong Marcos ang dahilan nang pagkakasamsam sa P30.9 billion halaga ng ilegal na droga noong 2022.

Sa 2022 accomplishment report ng PDEA na iprinisinta sa Malakanyang, sinabi nito na bukod sa multi-bilyong halaga ng ilegal na droga na nasamsam, aabot sa P27.8 bilyong halaga ng droga at controlled precursors and essential chemicals (CPECS) ang winasak nila.

“And through more than 37,000 operations conducted by the agency and other law enforcement units, a total of 53,002 drug personalities were arrested,” ayon sa PDEA, pangunahing ahensiya ng bansa na nakatutok sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.

Tinatayang may 237 marijuana sites ang winalis ng PDEA, nagresulta ng pagkawasak sa P738.6 milyong halaga ng marijuana plants at derivatives, base sa PDEA report.

At upang mabawasan ang demand para sa illegal drugs, nagsagawa ang PDEA ng 257,588 Preventive Education and Community Involvement (PECI) activities at nagtatag ng 111 Balay Silangan Reformation Centers, nagpo-produce ng 2,000 graduates at nag-e-empleyo ng 894 indibidwal.

“More than 300,000 Persons Who Use Drugs (PWUDs) in drug-cleared barangays underwent community-based drug rehabilitation programs, while 67,045 PWUDs were given intervention programs,” ayon sa PDEA.

Sinabi pa nito na kabilang sa karaniwang ginagamit na ilegal na droga ay ang methamphetamine hydrochloride o “shabu,” marijuana at methylenedioxymethamphetamine o “ecstasy,” kung saan mayorya sa mga naaresto noong nakaraang taon ay sangkot sa shabu-related cases.

Hinggil naman sa drug entry points, sinabi ng PDEA na ini-exploit ng mga sindikato ang archipelagic nature ng bansa, nagdadala at nagpapasok ng ilegal na droga at controlled precursors and essential chemicals sa pamamagitan ng seaports, airports, mail at parcel services at sa “vast expanse of the Philippine coastlines.”

Samantala, aktibo namang tumutulong ang PDEA sa paglilinis o prosekusyon sa mga drug personalities sa buong bansa. Sa katunayan, nakapaghain na ito ng 45,850 drug cases laban sa mga ito noong 2022. (CHRISTIAN DALE)

188

Related posts

Leave a Comment