(NI NOEL ABUEL)
HINAHANAP ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang P46 bilyong koleksyon mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC) na nakolekta sa car registration fee sa Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay Recto, malaking tulong ang nasabing pondo para magamit sa road clearing operations na isinasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng mga local government units (LGUs).
Aniya, hindi nagamit ang MVUC collections na umabot sa kabuuang P46.25 bilyon noong Disyembre 2018 habang para sa taong 2019, inaaasahang makakokolekta ang pamahalaan ng P13.9 bilyon.
“Its participation should go beyond issuing orders and deadlines, but must also include contributing to the tools and resources local governments need to rid thoroughfares of obstructions,” ani Recto.
“Once roads are cleared of encroachments, the hardest part is to keep them that way—and to ensure that some form of national government-local government partnership is needed,” dagdag pa nito.
Abril 8, 2019 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11239, na nagbabasura sa Road Board at ang pondo ng MVUC ay maaari aniyang magamit sa mga isasagawang road clearing operations.
“Under these terms of use, kung naglilinis ang lokal na pamahalaan, dapat kasunod na ang DPWH sa pag-aayos ng road drainage, sidewalks, at pag-aspalto at pag-ayos ng mga apektadong bahagi ng kalsada,” sabi nito.
Magagamit aniya ang MVUC fund sa pagbili ng mga road clearing equipment tulad ng tow trucks at emergency response vehicles.
“Kung namimigay ang national government ng police cars, fire trucks sa mga LGUs, pwede rin ang tow trucks o anumang panghakot ng mga bara sa kalsada. Maraming mahihirap na pamahalaang bayan, lalo na doon sa mga major national highways, na kulang ang kapasidad, kahit na man lang doon sa pailaw ng kalsada,” sabi nito.
179