P500M ILALAAN NG DOH PANLABAN SA RABBIES SA 2020

doh

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAGKAKAROON ng P500 million ang Department of Health (DOH) na panlaban sa rabbies sa susunod na taon na naglalayong gawing ‘rabbies-free’ ang Pilipinas sa 2022.

Ito ang napag-alaman kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor matapos maisama ang nasabing pondo sa inaprubahang pondo ng DOH sa 2020  General Appropriations Act (GAB) na pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

“The extra funding for the program is meant to enable the country to finally eradicate rabies,” ani Defensor, vice chairman ng House committee on health nitong weekend.

Ayon sa mambabatas, layon ng nasabing pondo na tuluyang mabura at  wala ng namamatay sa rabbies dahil sa kasalukuyan ay 62 lugar lamang umano sa bansa ang idineklarang “rabbies-free” noong 2018.

Nabatid na umaabot sa 300 katao ang namamatay dahil sa rabbies o virus na dala ng mga aso kada taon sa bansa kaya umaasa si Defensor na sa pamamagitan ng pondong ito ay wala nang mamamatay dito.

“The viral disease is transmitted from animals  to people. It is spread to humans through close contact with the infected dog’s saliva via bites or scratches. Rabies is 100 percent fatal and yet 100 percent preventable with vaccination in animals and people, according to the World Health Organization (WHO),” ani Defensor.

Magugunita na isang   24-anyos na babaing  Norwegian ang namatay matapos makagat ng aso na kanyang nirescue, tatlong taon na ang nakararaan.

Sa ngayon ay tungkulin ng mga local government units (LGUs) na magsagawa ng regular na vaccination sa mga aso sa mga lugar na kanilang nasasakupan upang maiwasan na makapagkalat ng rabbies ang mga ito.

 

231

Related posts

Leave a Comment