(NI AMIHAN SABILLO)
NANANATILING maayos at matatag ang pagkakaibigan ng bansa sa Amerika sa kabila ng pagdistansya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kasunduan na magbibigay ng tulong ang Amerika sa bansa, partikular sa Philippie National Police (PNP) kontra terorismo.
Nilagdaan na rin ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde at Deputy Chief of Mission John Law ng US Embassy Manila ang Memorandum of Understanding para sa isang state of the art counter terrorism facility na itatayo sa lalawigan ng Cavite sa tulong ng Estados Unidos
Umaabot sa P520 milyon ang kabuuan ng halaga ng donasyon kung saan P350 milyon ang ilalaan para sa training facility na itatayo sa lugar na sakop ng PNPA sa Silang, Cavite
Ayon kay Albayalde, bahagi ito ng mas pinaigting na partnership sa pagitan ng Amerika at Pilipinas sa kampanya laban sa terorismo
Sinabi pa ni Albayalde na ang bagong limang battallion ng PNP SAF na sumasailalim sa training ang unang batch na sasalang sa counter terrorism training sa itatayong pasilidad.
150