P74-B NG SENADO PINARE-REBYU NG KAMARA KAY DU30

duterte senado

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI pa tapos ang ang bangayan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa 2019 national budget matapos hilingin ng mga kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na rebyuhin din ang P74 Billion ng mga senador na ayaw idetalye.

Ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., ang kahilingan matapos hindi mapirmahan ni Duterte noong Marso kaya reenacted pa rin ang gamit na pondo ngayong Abril.

Base kalakaran,  hangga’t hindi napipirmahan ng Pangulo ang bagong General Appropriations ACT (GAA) ay reenacted ang pambansang pondo na gagamitin ng national government.

Ayon kay Andaya, handa umano ng mga ito na tanggapin sakaling i-veto ni Duterte ang mahigit P90 Billion na lumpsum budget na kanilang in-itemize subalit kailangang rebyuhin umano ng Pangulo ang halos P74 Billion na ginagalaw ng Senado sa pambansang pondo.

Kabilang na rito ang P5 Billion right-of-way projects ng Department of Transportation (DOTr); P11.033 Billion ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para din sa right-of-way at P2.5 Billion na Foreign Assisted Projects ng DPWH.

Kabilang din sa pinaparebyu ng liderato ng Kamara kay Duterte ang P3 Billion ng  Tehnical Education and Skills Development Authority (TESDA) na inalis ng Senado;  P2.254 Billion greening projects ng Department of Environment and Natural Resources (DENR); P2.5 Billion na nawala nang alisin sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang P7.5 billion budget para sa SEA Games pero P5 Billion lamang ang inilipat sa Philippine Sports Commission (PSC).

Inalis din umano ng mga senador ang may P13.4 Billion para sa  Miscellaneous Personnel Benefit Fund (MPBF) na pambayad sa sahod, bonuses, allowances at pensyon ng mga sibilyang empleyado ng gobyerno at P39 Billion ng Pension and Gratuity Fund na pambayad naman sa mga magreretirong sundalo at pulis  at mga pensyon ng mga uniformed personnel.

122

Related posts

Leave a Comment