HINDI matatawaran ang pagiging ganid ng ilang kongresista sa pork barrel matapos matuklasan na hinarang ng Palasyo ang pagpapalabas ng P80 bilyon congressional realignment, ayon kay Senador Panfilo Lacson.
Sa pahayag, sinabi ni Lacson na hindi pinayagan ni Pangulong Duterte ang isiningit na P80 bilyon ng mababang kapulungan ng mga kongresista sa kani-kanilang distrito sa ilalim ng “Build, Build, Build program.
“Unmitigated gall. This best describes some lawmakers who tried to realign at least P80 billion from the administration’s Build, Build, Build flagship program to their districts’ pet projects under the 2020 national budget,” ani Lacson.
Dahil dito, nagpahayag ng suporta si Lacson kay Pangulong Duterte at Department of Budget and Management (DBM) matapos itigil ang pagpapalabas ng congressional realigments.
“Thus, I support the decision of President Rodrigo Duterte and the Department of Budget and Management to withhold the release of these congressional realignments,” ayon kay Lacson.
Aniya, isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy niyang sinusuportahan si Pangulong Duterte sa kabila ng hindi nila pagkakaintindihan sa ilang policy issues.
“He has time and again displayed the strong political will, even against many self-proclaimed allies in Congress whose loyalty clearly lies where the money lies,” giit ni Lacson.
Sinabi ni Lacson na dapat mag-ingat si Pangulong Duterte sa kaplastikan ng mga kongresistang gagawin ang lahat, makakuha lamang ng pork barrel. ESTONG REYES
103