PAG-UWI NG MAY 100 OFWs MULA LEBANON KASADO NA

SANIB-PWERSA ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pag-monitor para tiyakin ang ligtas na pagpapauwi sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na naipit sa tumataas na tensyon sa Lebanon.

Kamakailan lamang ay iniulat ng Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut ang pagbomba sa Dahieh, malapit sa MWO, kung saan may 63 OFWs ang namamalagi.

Ang lahat ng OFWs ay ligtas mula sa kamakailan lamang na pag-atake at kagyat na inilipat sa isang hotel sa Beit Mery, Lebanon para sa pansamantalang pamamalagi sa mas ligtas na lugar.

Mayroon din 16 overseas Filipinos ang pansamantalang nanunuluyan sa nirentahang pasilidad sa Beit Mery para tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Ang patuloy na kanselasyon ng outbound flights ng mga pangunahing airlines ay bunsod ng kamakailan lamang na pagsabog sa Beirut, nakapagpaantala sa pagpapauwi sa 15 OFWs na original na nakatakda sanang iwan ang Lebanon noong Setyembre 25, 2024.

Inaayos din ng MWO-Beirut ang pagpapauwi sa karagdagang 63 OFWs na may kumpletong dokumentasyon at clearances na iwanan ang Lebanon. (CHRISTIAN DALE)

37

Related posts

Leave a Comment