(Ni FRANCIS ATALIA)
MALAKAS na pag-ulan ang ibinabala ng PAGASA matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) sabado ng umaga.
Namataan ang LPA, Sabado ng hapon, 585 kilometers east southeast ng Hi-natuan, Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA, tatawaging bagyong Amang ang LPA kapag naging tropical depression ito sa loob ng 24 oras.
Posibleng mag-landfall ang LPA sa Surigao del Norte mainland-Siargao Islands sa Linggo.
Nararasan na sa Caraga, Davao Oriental, Compostela Valley, Camiguin at Misamis Oriental ang katamtaman hanggang malakas na ulan noong Sabado ng gabi.
Uulanin din ang bahagi ng Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, Bicol Region, Northern Quezon, Romblon at Marinduque bukas.
Binabalaan naman ang publiko na nasa mababang lugar at prone sa landslie maging ang pagpalaot sa northern seaboard ng Luzon at eastern seaboard ng bansa dahil sa Amihan at papalapit na bagyo
250