PAGBAWI SA 40 TAONG MAXIMUM PENALTY LUSOT NA SA HOUSE PANEL

BATAS-1

(NI ABBY MENDOZA)

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Justice ang committee report para sa House Bill 4553 kung saan tatanggalin na ang itinatakda sa Article 70 ng Revised Penal Code na nagtatakda ng hanggang 40 na taon lang ang maximum na taon na makukulong ang isang convict.

Layon ng panukala na inakda ni Leyte Rep Vicente Veloso na maisisilbi ang hustisya para sa mga biktima at kanilang pamilya.

Sa ilalim ng kasalukuyang sistema ay kahit ilang habambuhay na pagkakabilanggo ang hatol ay hanggang 40 taon lamang maaaring makulong.

Naging mainit ang panukala matapos ang kontroberdsya sa Good Conduct Time Allowance(GCTA) kung saan maagang nakalalabas ng bilangguan kahit ang hatol ay 2 o higit pang habambuhay na pagpapakabilanggo.

Siniguro ni Veloso na kayang nyang idepensa sa Korte Suprema ang panukala sakaling kuwestiyunin ang legalidad nito.

Samantala, inaprubahan din ng komite ang panukalang batas na magdaragdag ng court salas o branches ng Metropolitan at Regional Trial Courts sa 7 lalawigan sa bansa.

Sa oras na maisabatas ang panukala ay matutugunan nito ang mabilisang pagresolba sa mga nakabinbin na kaso sa mga korte.

Suportado ng Offfice of the Court Administrator ang panukala kung saan sa Zambaoanga ay 2 RTC ang idadagdag, 1 MTC sa Dipolog City; MTC branch sa Paranaque,  Gen Trias cavite,Bacolod,Davao Oriental at Novaliches.

 

160

Related posts

Leave a Comment