(NI BERNARD TAGUINOD)
IBINASURA ng chair ng House committee on legislative franchise ang alegasyon na ginigipit at nais kontrolin ng administrasyong Duterte ang media sa kaso ng prangkisa ng ABS-CBN.
Sa pahayag, sinabi ni Palawan Rep. Franz Alvarez na itutuloy ng mga ito ang pagdinig sa mga panukalang batas para sa ektensyon ng prangkisa ng nasabing tv network pagbalik ng mga ito sa trabaho simula Enero 20.
“But we should all be reminded that under the law, the grant of a franchise is not a right, but a privilege. This is why we have to hear all sides, and find out if ABS-CBN violated the provisions of its franchise,” ani Alvarez.
Gayunpaman, nilinaw ng mambabatas na walang nagaganap na paggipit sa media tulad ng alegasyon ng ilan dahil sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta na lamang ang nasabing TV network.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na galit si Duterte sa ABS-CBN dahil hindi umano iniere ng nasabing network ang kanyang political ads noong 2016 preidential election kahit bayad na ito.
“The issue involves the franchise renewal of ABS-CBN. There is no attempt to muzzle or control the media here so do not try to make this a press freedom issue when it is not,” ani Alvarez.
10,955 ABS-CBN EMPLOYEES MAWAWALAN NG TRABAHO
Nababahala naman si Albay Rep. Edcel Lagman sa magiging kalagayan ng may 10,955 regular at non-regular employees kasama na ang mga talents kapag tuluyang binawi ang prangkisa ng ABS-CBN.
Tiyak na mawawalan agad aniya ang mga ito ng trabaho na makakadagdag aniya sa tumataas na unemployment rate sa bansa kapag hindi pinalawig ang prangkisa ng nasabing TV giant.
May duda rin ang mambabatas na crony ni Pangulong Duterte ang bibili sa ABS-CBN kaya mauulit aniya ang kasaysayan
“Selling ABS-CBN to an apparent Duterte crony is not an option,” ani Lagman kaya iginiit nito sa liderato ng Kongreso na aprubahan ang prangkisa ng ABS-CBN.
174