PAGHARAP NG PAMILYA NG WOD VICTIMS SA ICC HINAHARANG

ALAM ng administrasyon Marcos Jr. at ni Vice President Sara Duterte na dehado si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaya hinaharang ng mga ito ang pagharap ng pamilya ng mga biktima ng war on drugs sa nasabing korte.

Ito ang opinyon ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares matapos hilingin umano ng Marcos-Duterte administration sa ICC na huwag payagan ang mga pamilya ng mga biktima na sumali sa proseso at magharap ng ebidensya.

“Ex-Pres. Duterte and the Marcos-Duterte government are losing the ICC the case as shown by their belated and desperate demand for the ouster of the victims from the ICC proceedings,” ani Colmenares na isa sa mga abogado ng pamilya ng mga biktima.

Sinabi ng dating mambabatas na may karapatan ang pamilya ng mga biktima na humarap sa court proceedings at nakasemento aniya ito sa Article 54 (3) (b) ng nasabing korte.

Bukod dito, itinatag aniya ang ICC para makamit ang hustisya ng mga biktima ng heinous crimes na kagagawan mismo ng kanilang gobyerno kaya wala aniya sa hulog na pagbawalan ng Marcos-Duterte administration na humarap at magharap ang mga ito ng ebidensya.

“It is cruel for the Marcos-Duterte administration to demand that those who filed the complaints will not be entitled to support their complaint through submissions and representations,” ani Colmenares.

Naniniwala ito na taktika ito ng Marcos-Duterte administration na hindi makapagharap ng matibay na ebidensya ang pamilya ng mga biktima sa ICC na magdidiin sa dating Pangulo at mga kasabwat nito sa war on drugs.

Hindi rin nagustuhan ni Colmenares ang tila pag-aabogado ng Marcos-Duterte administration sa dating Pangulo gayung ang mismong inaakusahan ay mayaman, maimpluwensya at isa ring abogado.

“May legal services para sa mayaman, pero kapos naman pag sa mahirap,” ani Colmenares. (BERNARD TAGUINOD)

161

Related posts

Leave a Comment