PAGKALAT NG ASF ISINISI SA HOG RAISERS

(NI ABBY MENDOZA)

ISINISI ng Department of Agriculture (DA) sa kawalang kooperasyon mismo ng hog raisers kung bakit  magkaroon ng mabilis na pagkalat ng African swine fever (ASF) virus.

Ayon kay Agriculture spokesperson Noel
Reyes may mga ipinilit na ipuslit na baboy mula sa  Rizal Province kaya nagsimula na itong kumalat sa ibang lugar.

Kung nagkaroon lamang umano ng kooperasyon ang mga hog raisers sa lugar ay maaaring na-contain na agad ang virus at hindi na kumalat.

“Mas lalo pong kakalat ang virus kung hindi natin susundin ang aming appeal na i-report niyo kaagad ang maysakit. Huwag na pong ipagbili pa sa trader yung ASF-infected hogs. Transport or sale, slaughter to other areas. Kinakalat lang po ninyo ang virus,” paliwanag ni Reyes.

Aniya, kapag namatay ang baboy ay huwag na itong ipaanod sa ilog kundi ilibing  nang mabuti habang ang iba pang mga baboy na positibo sa ASF ay pangangasiwaan ng Bureau of Animal Industry at  local government units.

Ang ASF ay hindi naisasalin sa tao kaya naman may mga iresponsableng hog raisers ang nagpupuslit nito.

 

317

Related posts

Leave a Comment