(NI NOEL ABUEL)
LAGDA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para sa tuluyag paglusaw sa Road Board Regulatory Agency.
Kumpiyansa ang liderato ng Senado na tuluyan nang maisasabatas ang House Bill 7436 na kinuha ng Senado at ipinadala noong Pebrero 8 ng Presidential Legislative Liaison Office sa Malacañang para lagdaan ni Duterte.
Umaasa rin ang mga mambabatas na bago matapos ang 30 araw ay mapipirmahan ng Pangulo ang nasabing panukala at hindi tuluyang mabalewala dahil mismong si Pangulong Duterte ang nais na mawala ang Road Board dahil na rin sa umano’y katiwalian at kurapsyon sa ahensya.
Sinabi ni Senate President C. Vicente Sotto na nakakakolekta ang Road Board sa mga binabayaran sa Motor Vehicle Users Charge (MVUC) ng P12 bilyon.
Ngunit kinuwestiyon ng Commission on Audit (CoA) ang paggamit ng ahensya sa tinatayang P90 bilyon sa nakolektang P160 bilyon noong nakaraang taon.
Dahil sa mga sinasabing iregularidad ay nagkasundo ang Kamara at Senado na i-abolish ang Road Board at ilagay na lamang sa National Treasury ang makokolektang buwis sa mga sasakyan.
142