PAGPUSLIT NG 2 SUICIDE BOMBER SA SULU, ITINANGGI

SULU44

(NI JG TUMBADO)

WALANG natatanggap na anumang impormasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa panibagong plano na suicide bombing sa Mindanao lalo na sa Sulu ng umano’y Egyptian couple na may koneksyon sa Abu Sayyaf Group.

Ayon kay AFP spokesperson Brig Gen. Edgard Arevalo, nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagtugis sa mga responsable sa pagsabog sa Basilan at Sulu.

Pero wala silang natatangap na impormasyon na ang umanoy Egyptian couple na ito ay may koneksyon sa mga responsable sa mga pagsabog sa Sulu at Basilan.

Sa ngayon, ayon kay Arevalo, patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa ibang ahensya ng gobyerno, local government at local residents para magkaisa at mapigilan ang mga plano pang karahasan ng mga teroristang grupo.

Ang impormasyong may Egyptian na nagpaplano ng suicide bombing sa Sulu ay mula sa isang academic analyst on terrorism.

 

151

Related posts

Leave a Comment