(NI CHRISTIAN DALE)
HINDI na kinakailangan pang maglabas ng opisyal na komunikasyon ang Office of the President kaugnay ng naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Leni Robredo sa ICAD.
Sa pulong balitaan sa Busan, South Korea, binigyang diin ni Chief Presidential Spokesperson Salvador Panelo na saklaw si Robredo ng polisiyang “serving at the pleasure of the President” lalo at nasa Pangulo ang appointing authority.
Nasa kapangyarihan din, ani Panelo, ang pagpapaalis sa kaninumang itinalaga ng Punong Ehekutibo sa isang puwesto, anumang oras na naisin nito nang hindi na kailangan pang mag- isyu ng official order na manggagaling sa Office of the President.
Oktubre 31 nang lagdaan ng Presidente ang appointment papers ni Leni sa ICAD bilang co- chair.
Tinanggap naman nito ang posisyon pero hindi na tumagal pa ng isang buwan ang pagiging bahagi nito sa ICAD kasunod ng termination sa tungkulin nito sa Inter- Agency Committee on Illegal Drugs.
281