(NI FRANCIS SORIANO)
INIINDA ngayon ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang nakaambang pagtaas ng contribution rates sa mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Ayon kay Presidente na si Sergio Ortiz -Luis Jr, mula sa dating 11 percent ay tataas ng 12 percent ang contribution rate na magiging epektibo ngayon unang araw ng Abril.
Kasabay din ng pagtaas ay ang dagdag na SSS minimum at maximum monthly salary credit.
Nauna nang nagpahayag ang SSS na ang mabuting dulot ng pagtaas ng kontribusyon ay ang pagdagdag ng mga benepisyong matatanggap ng kanilang mga miyembro.
154