(NI BETH JULIAN)
BUKAS ang mga rehabilitation centers para sa mga artistang sangkot sa ilegal na droga na nais talikuran ang masamang bisyo.
Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo at sinabing handang tulungan ng Malacanang ang mga artistang sangkot sa ilegal na droga na lalapit sa kanila.
Sinabi ni Panelo na hindi lamang ang pag-aresto ang konsepto ng giyera kontra droga ng gobyerno kungdi ang tulungan din ang mga biktima para makapag bagong buhay.
Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi maipapangangako ni Panelo na mananatiling sikreto ang mga pangalan ng mga artistang nasa watchlist ng PDEA.
Sinabi pa ni Panelo na maaaring magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang pangalan ng mga artista sa oras na makumpirma ng mga awtoridad ang mga impormasyon na nagdidiin sa kanila sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
129