PALASYO SA BAR PASSERS: MAGTRABAHO SA GOBYERNO     

panelo 200

(NI BETH JULIAN)

UMAASA ang Malacanang na mas bibigyang prayoridad ng mga bagong abogado ng bansa ang pagseserbisyo o pagtatrabaho sa gobyetno.

Ito ang apela ng Malacanang kasunod ng inilabas na resulta ng 2018 Bar exams noong Huwebes ng Korte Suprema.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, kumpiyansa ang Palasyo na uunahin ng mga bagong abogado ang malasakit at magserbisyo sa bansa sa pamamagitan ng pagsisilbi sa gobyerno.

“We hope that many of our country’s new lawyers consider pursuing a career in the government and help build a progressive and peaceful nation that will provide a comfortable life for all,” pahayag ni Panelo.

Dito ay sinabi ni Panelo na bukas ang Duterte administration sa idealism, kagalingan pang-akademya at integridad ng bar passers at hangad nito na tumatak sa isipan ng mga bagong abogado na ang integridad ang pinakamahalagang bagay na dapat taglayin nila sa legal profession.

“Their youth’s idealism, academic competence and personal integrity are welcome under the present Administration, and should be in succeeding administrations as well,” dagdag pa ni Panelo.

Noong Huwebes, inilabas ng SC ang  resulta ng pagsusulit kung saan nasa 22.07 percent o 1,800 lang mula sa 8,155 kabuuang bilang ng sumailalim sa pagsusulit ang pumasa.

100

Related posts

Leave a Comment