PALUSOT NI BBM SA PAGBAHA ‘DI KATANGGAP-TANGGAP

(BERNARD TAGUINOD)

KINASTIGO ng isang dating mambabatas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil ginagamit nitong palusot ang climate change para pagtakpan ang kanilang pagpapabaya kaya nagkaroon ng malawakang pagbaha nang manalasa ang bagyong Kristine.

Naniniwala si dating Bayan Muna party-list rep. Neri na nauubusan na ng dahilan si Marcos kaya ginagamit na nito ang climate change dahil bukod sa nagpabaya ang kanyang administrasyon ay hindi agad nasaklolohan ng kanyang administrasyon ang mga biktima ng pagbaha.

“The administration cannot simply hide behind climate change rhetoric while our people suffer from the devastating impacts of these typhoons. What we need is concrete action – immediate relief, rehabilitation support, and most importantly, accountability for the criminal negligence that has worsened the impact of these disasters,” ani Colmenares.

Sinabi ng mambabatas na hanggang ngayon ay wala pang konkretong tulong ang naibibigay ng gobyerno sa mga biktima ng pagbaha sa Bicol region at iba pang karatig-lalawigan gayung dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang mabaha ang mga ito.

Maging ang patuloy na pagdepensa ni Marcos sa flood control projects kung saan sinabi nito na hindi umano nakaya ng mga proyektong ito ang napakaraming ulan na ibinuhos ng bagyong Kristine ay hindi matanggap ng dating mambabatas.

“The Marcos Jr. administration must explain why, despite the massive budget for disaster preparedness and mitigation, our communities remain vulnerable to flooding and other calamities,” ayon pa kay Colmenares.

Ipinangako aniya si Marcos na “disaster-resilient ang mga imprastrakturang ito subalit hindi nakaya ang bahang iniwan ng bagyong Kristine kaya para hindi mapahiya ay isinisi na lamang ni Marcos ang problema sa climate change.

Dahil dito, nararapat lamang aniya na imbestigahan ang mga proyektong ito dahil mistulang hindi matatag ang pagpapagawa nito at hindi isinalang-alang ang pagbabago ng klima subalit habang hindi pa ito naisasalang sa imbestigasyon ay dapat tutukan ng Marcos administration ang pagbangon ng mga biktima ng malawakang pagbaha.

“We demand not just an apology from the highest official of the land, but concrete actions: immediate release of calamity funds, swift implementation of rehabilitation projects, and most importantly, a thorough investigation of where the disaster preparedness funds went,” giit pa ni Colmenares.

84

Related posts

Leave a Comment