KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng partial deployment ban sa Kuwait.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello ito ay bunsod ng pagkabigo ng naturang bansa na bigyan ng proteksiyon ang Pinoy workers na nagtatrabaho doon at pagkamatay ng isa na namang domestic helper sa kamay ng malupit na amo.
Si Jeanelyn Villavende ay namatay umano sa pagmamaltrato ng amo.
Sa ilalim ng ipatutupad na partial deployment, wala munang bagong ipoproseso na deployment ng mga bagong OFW sa Kuwait.
Ayon kay Bello, maglalabas siya ng official order tungkol dito sa lalong madaling panahon.
Kasabay nito, patuloy aniyang pag-aaralan ang pagpapatupad ng total ban hangga’t hindi naibibigay ang hustisya kay Villavende na nasawi sa kamay ng kaniyang Kuwaiti employer.
149