PAYO NI DU30 BINALEWALA; AWAY NG KAMARA, SENADO LUMALALA

duterte senado

(NI BERNARD TAGUINOD)

SA halip sundin ang payo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkasundo na sa 2019 national budget upang matapos ang paggamit ng reenacted budget, mistulang lumala pa ang away sa pagitan ng liderato ng Kamara at Senado.

Ito ay matapos bakbakan, hindi lamang ng majority bloc kundi ng minority bloc sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Sen. Panfilo Lacson at tinawag ang mga ito na nagmamagaling sa batas at mistulang mga prosecutor na ang mga ito.

“If these two senators will not stop acting as prosecutors, then I will advise the Speaker to stay home after dark. Baka maisipan ng dalawang senador na kasuhan naman siya ng vagrancy,” ang tila pang-iinsulto ni House deputy minority leader Anthony Bravo kina Sotto at Lacson.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ilutang umano ng dalawang senador ang posibilidad na kasuhan ng falsification of legislative documents si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa alegasyon ng Senado na binago ng liderato ng Kamara ang ratipikadong Bicameral conference committee report sa national budget.

“Kung ano-anong kaso ang naiimibento ang dalawang senador natin. They better consult their own experts. Baka nga kasi pati vagrancy at trespassing, maisipan nilang i-kaso sa ating Speaker para lang lumanding sa front pages ng balita,” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi ni Bravo, na hindi abogado at miyembro ng Bicam,  na ang mga nagtrabaho sa national budget ay mga batikang abogado at accountant kaya dapat sana aniyang kumonsulta ang dalawang senador sa mga ito bago umaktong abogado o prosecutor ang mga ito.

“Now if the comedian and the police general really want to lock horns with these lawyers and accountants with regard to the constitutionality and legality of the 2019 GAA, be my guest. The people will eventually know who is real and who is fake,” the House leader said.

Sinabi naman ni House majority leader Fred Castro na hindi lamang si Arroyo ang pinupuntirya nina Lacson at Sotto kundi si Pangulong Duterte sa kanilang pagmamatigas sa national budget.

 

 

 

 

127

Related posts

Leave a Comment