(NI BETH JULIAN)
TULOY pa rin ang pagsusulong sa Pederalismo ng administrasyong Duterte.
Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, sa kabila ng nauna nang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahihirapan nang makalusot ang usapin sa Federalism.
Ayon kay Panelo, hindi pa rin naman sumusuko ang administrasyon dahil may tatlong taon pang natitira ang Pangulo para maisulong ang usapin sa Pederalismo dahil mismong ang Pangulo na rin ang nagsabing ito ang magiging daan para sa pag unlad ng bansa at paglutas sa problema sa Mindanao.
Una nang nabalewala ang usapin sa Pederalismo sa Senado dahil sa kakulangan ng panahon pero inaprubahan naman ito sa Kongreso noong December 2018.
113