PINAY TOURIST NAWAWALA SA BALI; DFA UMAKSIYON

ella

NABABAHALA ang pamilya ng isang Pinay na nawawala sa Bali, Indonesia bago pa mag-Pasko, ayon sa Department of Foreign Affairs, Miyerkoles ng hapon.

Galing ng Camarines Sur, lumuwas ng Maynila ang kapatid ng nawawalang si Ella Balmaceda Paano, resort worker sa Coron, Palawan.

Sinabi sa report na umalis si Paano patungong Bali noong December 22 at nakatakda sanang bumalik ng bansa noong December 28. Gayonman, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Ella.

Hindi na rin umano makontak si Ella at ang huli niyang post sa Facebook ay noong December 24 pa.

Hiningi na rin ang tulong ng Philippine Embassy sa Indonesia para mahanap ang 25-anyos na Pinay. Inilagay na rin sa missing person si Ella. Umaasa ang pamilya nito na walang nangyaring masama sa kanya. Gayong nangangamba sa kaligtasan ni Ella, malaki pa rin umano ang pag-asam ng pamilya na makauuwi at magkikita pa rin silang magpapamilya.

10

Related posts

Leave a Comment