PING: WALA NANG SAYSAY PAKINGGAN SI ‘BIKOY’

ping lacson 12

WALA na umanong saysay pakinggan ang sasabihin ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy, dahil sa kawalan nito ng kredibilidad.

Gayunman, hahayaan umano ni Senador Panfilo Lacson na si Senate President Vicente Sotto III na ang maghubad ng maskara at ipakita ang totoong pagkatao ni Advincula na ilang taon ding nakulong sa New Bilibid Prisons.

Sinabi ni Lacson na si “Ang Totoong Narcolist” video narrator Bikoy ay lumapit na umano kay Sotto noong 2016.

Ayon pa kay  Lacson na matapos ang ihahayag ni Sotto ay malalaman ng publiko kung bakit hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon si Advincula. Hihintayin na lamang umano niyang si Sotto ang maghayag ng pagkatao ni Advincula.

“Matapos ang pagpapahayag ni SP Sotto palagay ko mauunawaan ng publiko wala na ring saysay pakinggan si Bikoy,” dagdag ni Lacson.

“Alam mo, kung nagtanggal siya ng kanyang talukbong noong unmask niya sarili niya, ang masasabi ko lang, tatanggalin ni SP ang buong robe ng taong ito,” ayon pa sa senador.

200

Related posts

Leave a Comment