(NI BERNATRD TAGUINOD)
HINDI naitago ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang labis na pagkadismaya matapos mangulelat ang mga estudyanteng Filipino sa Programme for International Student Assessment (PISA) na isinagawa noong 2018.
Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, dapat maging wake-up call sa Department of Education (DepEd) ang resulta ng PISA kung saan sa 79 bansa na sumali, ika-19 ang mga estudyante ng Pilipinas sa reading comprehension at ika-78 sa Science at Mathematics.
“It is very unfortunate and should be a wake-up call for the Department of Education,” ani Castro dahil nangyari ito kahit full implemented na ang K-12 program kung saan nadagdagan ng dalawang taon ang basic education sa bansa.
Patunay lamang umano na hindi epektibo ang K-12 system dahil nagbulag-bulagan aniya ang DepEd sa napakaraming problema ng nasabing edukasyon sa bansa simula nang ipatupad ito noong 2013.
“The Enhanced Basic Education Act brought with it countless of issues including persisting shortages in schools and classrooms, particularly senior high schools; other learning facilities including computer and science laboratories and libraries; water and sanitation facilities; textbooks, learning modules and other instructional materials,” ani Castro.
Dahil dito, hindi na aniya ipinagtaka ng mambabatas na bumaba ang kalidad ng edukasyon sa bansa dahil mahirap aniyang turuan ang napakaraming estudyante sa isang classroom.
Taun-taon aniya ay nadaragdagan ang budget ng DepEd subalit hindi nireresolba ang mga nabanggit na problema na lalong lumala dahil sa bagong sistema ng edukasyon sa bansa.
“We urge the House leadership to thoroughly review and investigate the K to 12 program and the countless issues it came with and realize that the program does not serve the Filipino people as it has not enhanced the quality of education received by our youth,” ayon pa sa lady solon.
215