PINOY WORKERS NA OVERSTAYING SA ISRAEL IDEDEPORT

israel12

(NI ROSE PULGAR)

INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapadeport sa mga Filipino workers, kasama ang kanilang mga pamilya, mula sa bansang Israel.

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa Population and Border Authority (PIBA) para sa repatriation ng mga Pinoy kasama ang kanilang pamilya.

Ayon sa Embahada, sasagutin ng PIBA ang repatriation ticket ng mga Filipino na uuwi ng Pilipinas.

Inirerespeto naman ng Pilipinas ang ipinatutupad na batas ng Israel Government kaugnay sa mga Filipinong overstaying kasama ng kanilang mga anak.

Gayunman, nananawagan ang DFA sa mga Pinoy na igalang ang batas ng nasabing bansa.

Hiniling ng DFA sa mga Filipino na maapektuhan sa ipatutupad na repatriation na magtungo sa Philippine Embassy sa Tel Aviv para sa kanilang orientation program.

Tiniyak ng DFA at iba pang government agencies na nakahanda silang magbigay ng tulong sa mga Filipino na kasama sa repatriation.

 

147

Related posts

Leave a Comment