PIPITSUGING NEGOSYO I-EXEMPT SA WAGE HIKE

SA pangambang maapektuhan ang mga maliliit na negosyante, hinimok ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Concepcion III ang pamahalaan na huwag na muna isama ang mga micro-enterprises sa pagpapatupad ng dagdag-sahod sa mga manggagawa.

Paliwanag ni Concepcion, hindi pa rin ganap na nakakabawi ang mga maliliit na negosyo sa dagok na dulot ng pandemya at hidwaan sa pagitan ng mga bansang Ukraine at Russia.

Inaprubahan kamakailan ng mga regional wage boards ang dagdag-sahod para sa mga obrerong nakabase sa Metro Manila at Western Visayas.

Paniwala ni Concepcion, hindi angkop na dagdagan pa ang tinawag niyang “additional strain” sa hanay ng mga micro-enterprises na patuloy pa rin nagsisikap bumangon sa pagkaluging dulot na mahabang panahon ng tigil-operasyong ipinatupad ng pamahalaan sa kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19 – bukod pa sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa giyera sa pagitan ng dalawang oil-exporting countries.

“They have very little working capital, and whatever they earn for the day, they re-invest in the business just to keep going,” ani Concepcion.

“Many of them are already in debt, and now their inputs are more expensive because commodity prices are up. It will be devastating for them,” dagdag pa niya.

Para kay Concepcion, hindi na bago ang pagbibigay ng exemptions sa usapin ng wage hike. Katunayan aniya, taong 2004 nang gawaran ng exemption ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang mga rehistradong Barangay Micro-Business Enterprises sa Region V.
Maging ang mga negosyong mayroon lang 10 o mas mababa pa sa 10 empleyado, pasok rin aniya sa exemption.

“We have to make this exemption for them because these are not ordinary times,” pagtatapos pa niya. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment