PNP: HIGIT SA 12,000 BRGY, DRUG-CLEARED

pnp barangay 12

(NI JG TUMBADO)

MALAYO pa ang Pilipinas sa pagiging drug-cleared na bansa.

Ito ay dahil sa hindi pa nangangalahati ang bilang ng drug-cleared barangay base na rin sa pinakahuling tala ng Philippine National Police.

Batay sa datos ng pambansang pulisya, sa 42,045 baranggay sa bansa, 12,177 pa lang dito ang drug cleared.
Mula April 2019, nangunguna sa rehiyon na may pinakamaraming drug-cleared barangay ang Region 1 na umabot sa 1,967.

Pumangalawa ang Region 8 na nakapagtala ng 1,919 drug cleared barangays at ikatlo ang Region 6 na mayroong 852.

Samantala, lumalabas naman na ang Region 3, Region 5 at Region 7 ang mga rehiyon na pinakaapektado ng pagkalat ng iligal na droga.

254

Related posts

Leave a Comment