PNP SA NARCO-POLITICIANS: SUMUKO NA LANG KAYO!

albayalde

(NI NICK ECHEVARRIA)

MAKABUBUTING umamin na lamang ang mga narco-politicians sa bansa bago pa man tuluyang ilabas ang narco-list.

Ito ang payo ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, gayunman binigyang-diin nito na hindi sila ang maglalabas ng listahan ng mga narco-politicians sa halip ay ipauubaya na nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Albayalde, tumutulong lamang sila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng mga validation at nasa desisyon pa rin ng pangulo kung ilalabas ang narco-list sa publiko para tulungan ang mga botante sa pagpili ng mga kandidato sa May 13, 2019 midterm elections.

Bagama’t may sariling listahan ang PNP, sinabi ni Albayalde na ito’y counter-intelligence watch list lamang ng mga umanoy sangkot sa operasyon ng mga ipinagbabawal na droga.

Subalit, kung isasapubliko ng Pangulo ang narco-list, obligasyon ng PNP na magsagawa ng case-build up laban sa mga pulitiko na masasangkot dito.

Pinayuhan ni Albayalde ang mga pulitiko sa narco-list na bago pa man sila magsilbi ng mga search warrant, mas mainam na aniya kung mauuna ng sumuko ang mga ito.

 

 

148

Related posts

Leave a Comment