(Ni BERNARD TAGUINOD)
Pinatatarget ng isang Samar Congressmen sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang Private Armed Group (PAG) sa kanilang lalawigan sa ilalim ng Memo-randum Order (MO) No.32 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Samar Rep. Edgar May Sarmiento, napapanahon ang MO.32 lalo na’t nalalapit na ang eleksyon tuwing magkakaroon umano ng halalan ay nagiging hotbed ang Samar sa political assas-sinations.
“Samar is a constant hotbed of political assassinations and harassment during election season. Many of these armed goons employed by some politicians are mostly criminals involved in other ille-gal activities and communist rebels involved in extortion,” ani Sarmiento.
Dahil dito, hiniling ng mambabatas sa PNP at AFP na bumuo ng task forces na tututok sa PAG upang masupil na ang mga ito at maiwasan ang pagdanak ng dugo sa panahon ng halalan sa ka-nilang lalawigan.
Magugunita na inilabas ni Duterte ang nasabing MO na naglalayong sugpuin ang lawless violence, hindi lamang sa Samar kundi sa Bicol region, Negros Oriental at Negros Occidental.
Isa sa mga dahilan ng MO. 32 ay ang pag-atake ng New Peoples Army (NPA) kaya dadagdagan na ang puwersa ng military at pulisya sa mga nabanggit na lalawigan subalit nais ni Sarmiento na id-amay ang pagbuwag sa PAGs.
“This move to deploy more troops in Samar in other areas deemed as election hotspots is definitely a welcome relief for most people of Samar. It is an answered prayer for us,”
Gayunpaman, kailangang mag-ingat umano ang AFP at PNP sa pagde-deploy ng mga karagda-gang puwersa sa mga nabanggit na lalawigan lalo na sa Samar upang masigurong magtagumpay ang mga ito sa pagbuwag sa mga private armies.
“We definitely welcome more security forces assigned in the province but I would also suggest a thorough vetting and background check for those who will be assigned to secure us. Baka naman yung mga i-assign sa amin eh mayroon palang mga kamag-anak, kaibigan o kakilala na sinusu-portahan,” ayon pa kay Sarmiento.
125