KAYANG pondohan ng government-owned or-controlled corporations (GOCCs) para maibigay ang P1,000 buwanang social pension ng mahihirap na lolo at lola sa bansa.
“The country’s economic recovery is on track, so we are counting on GOCCs to generate higher profits and pay out more cash dividends. The money can be used to bankroll the pension increase,” ani Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.
Ayon sa mambabatas, umaabot sa P57.55 billion ang cash dividend ang niremit ng GOCCs sa national treasury noong 2021 kaya pwedeng kunin aniya ang karagdagang pondo para maipatupad ang batas na gawing P1,000 ang social pension ng mahihirap na matatanda mula sa kasalukuyang P500 kada buwan.
Magugunita na otomatikong naging batas ang P1,000 social pension ng matatanda na walang inaasahang tulong sa kanilang mga anak o kaya pension sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) noong Hulyo.
Gayunpaman, sinabi ni Pimentel na maghahanap pa umano ang Department of Budget and Management (DBM) ng paraan para mapondohan ang dagdag na pensyon ng matatanda. (BERNARD TAGUINOD)
126