POSISYON NI GORDON, TARGET NI POE

gordon poe12

(NI NOEL ABUEL)

TARGET ni reelected Senator Grace Poe na pamunuan ang makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee sa pagbubukas ng 18th Congress.

Ayon kay Poe, bagama’t may kasalukuyang namumuno sa nasabing komite ay maaari namang ibigay ito sa iba pang senador na uupo sa susunod na Kongreso at kung papayag si Senador Richard Gordon na siyang namumuno sa Komite.

“Alam mo, mayroong equity of the incumbent.  So ‘yan ay mangyayari lamang kung papayag si Senador Gordon,” ani Poe sa isang ambush interview bago ang proklamasyon nito bilang ikalawang winning senatorial candidates sa pagtatapos ng May 2019 midterm elections sa Philippine International Convention Center (PICC).

Si Poe ay nakakuha ng 22,029,788 boto para makuha ang ikalawang puwesto kasunod ni incumbent Senator Cynthia Villar na nakakuha ng 25,283,727 kabuuang boto.

“Maganda sana. Gusto ko rin ‘yun pero nasa kanya ‘yun. Sa tingin ko hindi pa malalaman ngayon,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa nito na pinili nito ang nasabing komite dahil sa “oversight powers” nito sa bawat aspeto ng pamahalaan.

“Kasi blue ribbon ang mayroong oversight powers pagdating sa lahat ng mga nangyayari sa gobyerno, pagdating sa paggawa ng kanilang trabaho, kung may korapsiyon,” giit nito.

 

152

Related posts

Leave a Comment