PRIVATE SHIPPING COMPANY HAHAKOT NG BASURA NG CANADA

canada basura12

(NI BETH JULIAN)

BUNSOD ng matinding galit dahil sa mabagal na pag-aksyon ng Canada sa paghahakot ng kanilang basura, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na kumuha ng private shipping companies na magbabalik ng basura sa naturang bansa.

Sa press briefing nitong Miyerkoles ng hapon sa Malacanang, nagbaba na ang Pangulo direktiba para mismong ang gobyerno na ng Pilipinas ang mismong hahakot ng basura ng Canada para dalhin sa baybaying dagat na sakop ng nasabing bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, lubhang na-disappoint ang Pangulo sa tila pagbabalewala ng Canadian government at pagpapakitang hindi ito seryoso sa pangakong hahakutin nila pabalik ng kanilang bansa ang tone-toneladang basura na itinambak sa Pilipinas noon pang 2013.

Sinabi ni Panelo na galit na galit na ang Pangulo dahil ipinakikita lamang ng Canada na itinuturing nilang basurahan ang Pilipinas kaya’t nagpasya na ang Punong Ehekutibo na ang mismong gobyerno na ng Pilipinas ang gagastos para sa kukuning shipping companies na maghahakot at magbabalik ng mga basura sa Canada.

Dagdag ni Panelo, sinabi pa ng Pangulo na kapag hindi tinanggap ng Canada ang nasabing mga basura ay itatambak ang mga ito sa 12 tropical miles ng saan mang shoreline ng Canada.

Ayon pa kay Panelo, ang mensahe ng Pangulo ay dapat na maging aral din sa iba pang mga bansa na nagbabalak gawing dump site ang Pilipinas.

Matigas na pahayag ng Pangulo na hindi na ito aasa pa sa anumang negosasyon sa pagitan ng Canada.

Kautusan pa ng Pangulo, ayon kay Panelo, kung hindi talaga kukunin ng Canada sa oras na iyon hanggang matapos ang araw ay agad na talagang kukuha ng shipping companies ngayong umaga ng Huwebes para dalhin ang mga basura sa baybaying dagat ng Canada.

173

Related posts

Leave a Comment